SCHOOL KITS SA 61K STUDES

SA opisyal na pagbubukas ng klase nitong Lunes, sinabi Makati City Mayor Abby Binay na nakahanda ang lokal na pamahalaan sa mga isyu na kahaharapin ng pandemya na idinulot ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon sa lungsod.

Ani Binay, 61,547 estudyante mula sa Kinder hanggang Senior High School pati na rin ang Special Education (SPED) at Alternative Learning System (ALS) ay makatatanggap ng modules, bag, uniporme, leather shoes, AB o Air Binay 4.0 rubber shoes, school supplies at iba pang essential supplies na kailangan sa Oplan Balik Eskuwela 2021.

Sinabi ng alkalde, ang mga school kits ay nakahanda na para kunin ng magulang ng mga estudyante sa kani-kanilang eskuwelahan.

Dagdag pa ni Binay na bukod sa ipinamahaging school kits ay mamimigay din ang lokal na pamahalaan ng libreng internet at Mobile Learning Hub na ipinakalat sa iba’t-ibang barangay sa lungsod upang siguruhin na ang mga estudyante ay makakapag-internet para sa kanilang pag-aaral at pagre-research.

Sa virtual na pagbubukas ng klase na ginanap sa Fort Bonifacio High School, pinuri ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Anne Sevilla si Binay at Carleen Sedilla ng Schools Division Office (SDO) dahil sa kanilang pagsisikap sa maayos na pagbubukas ng klase sa lungsod.
MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “SCHOOL KITS SA 61K STUDES”

  1. 18714 529233I cannot thank you fully for the blogposts on your internet page. I know you placed plenty of time and effort into all of them and hope you know how considerably I appreciate it. I hope I will do precisely the same for another individual at some point. Palm Beach Condos 986822

Comments are closed.