MAGUINDANAO DEL SUR-PATAY ang isang katutubong school principal nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin sa Sultan sa Barongis nitong Lunes.
Ayon kay BGen. John Guyguyon, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nakilala ang biktima na si Benjie Maon, punong guro ng Mileb Elementary School sa munisipalidad ng Radjah Buayan.
Sugatan naman sa pamamaril ang 5-anyos na anak na lalaki ni Maon at 7-anyos na pamangkin nito.
Ang mga biktima ay inatake ng mga salarin saka pinagbabaril sa Sitio Nadal sa Barangay Barurao.
Agad namatay ang ethnic Maguindanaon teacher bunsod ng tama ng bala sa maseselang katawan habang nagtamo rin ng sugat ang anak at pamangkin nito na naisugod sa ospital. EUNICE CELARIO