SCHOOL PRINCIPAL NANG-SMACK NG STUDE KALABOSO

kulong

BULACAN – KULONG ang school owner at siya ring tumatayong school principal makaraang ireklamo ito dahil sa pag­halik sa labi o smack ng isang menor na estudyante sa Barangay Corazon, Calumpit

Itinago sa alyas na Ed ang principal ng hindi pinangalanang eskuwelahan na nahaharap sa kasong kriminal matapos ang pang-i-smack.

Naganap ang insidente noong Nobyembre 20 nang makasalubong ng estudyante at ang principal at bilang respeto ay magmamano ang biktima sa suspek ngunit bigla itong hinalikan ng principal sa labi na ikinagulat ng biktima.

Napag-alamang hinahanap ng biktima ang Admin office ng eskuwelahan para bayaran ang ipina-xerox niyang notebook nang makasalubong ang suspek at doon maganap ang insidente at kama­kalawa lang nila ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari at kaagad na inaresto si alyas Ed. MARIVIC RAGUDOS