SCHOOL SUPPLIES NAKITAAN NG NAKALALASONG KEMIKAL

NAGBABALA ang environmental group EcoWaste Coalition sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga school supplies na may toxic chemicals.

Ito ay makaraang magsagawa ng test buy ang EcoWaste Coalition, na nagsusulong ng chemical safety at zero waste campaign in sa mga paaralan taon-taon, upang matukoy kung may mga produktong naglalaman ng mga kemikal na mapanganib sa mga bata.

Bumili sila ng mga shool supplies sa mga retail store sa iba’t ibang lugar kabilang ang Manila, Quezon City, Cagayan de Oro, Iligan City, at Davao.

Pagkatapos na isalang sa X-ray fluorescence (XRF) analyzers, ay nadiskubre nilang na 38 sa 85 school supply items na kanilang nabili ay may halong mapanganib na lebel ng lead at cadmium.
ito ay ang painted metal clips and pins, stainless water bottles, cable winders, graphic bookmarks, lunch bags, Backpacks at raincoats.

“Lead is a very powerful neurotoxin, targeting the brain and the thinking of the person especially children. While the children are still young and they are exposed to these chemicals that target their brains, it could possibly affect their thinking and intelligence,” paliwanag ni Environmental Health Specialist Dr. Geminn Louis Apostol.

Dagdag pa ng opisyal, ang IQ ng isang indibidwal ay bumababa ng 0.25 hanggang 0.5 kada isang microgram per deciliter increase ng lead sa dugo.

Kasabay nito, umapela ang EcoWaste Coalition sa manufacturing industries na ihinto na ang paggamit ng mapanganib na kemikal sa school supplies o ‘di kaya ay maglagay ng babala ukol sa mga kemikal na ito. EVELYN GARCIA