NAVOTAS NAMIGAY NG BAGS, SCHOOL SUPPLIES SA 7,000 NA BATA

SCHOOL SUPPLIES

NAGPAMAHAGI ang Navotas City Government sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng Balik Eskuwela bags at school supplies sa 7,000 na daycare at Grade 1 pupils.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Tiangco na kailangang mag-aral ng mga bata. Pinayuhan din niya ang mga magulang na ingatan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga anak.

Bago ang Balik Eskuwela, namigay rin si Coun. EJ Arriola-Mejia ng bags at school supplies sa ilang mag-aaral sa Grade 6 at Grade 12 sa 10 na pampublikong elementarya at sekondarya sa District 1.

Ang mga estudyante ay benepisyaryo na ng konsehal at ng kanyang kapwa San Beda Law alumni limang taon na ang nakalilipas.

Samantala, inilunsad naman ni Vice Mayor Clint Geronimo ang Knowledge Truck (K-Truck) at Vice Clint’s Book Club sa Bagumbayan Elementary School.

Ang K-Truck ay isang mobile library na naglalayong isulong ang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto sa mga mag-aaral sa grade school at high school. EVELYN GARCIA

Comments are closed.