SCHOOL SUPPLIES SA ISABELA MAY PRICE HIKE

SCHOOL SUPPLIES

DALAWANG piso hanggang limampiso ang napansin ng ilang magulang na pagtaas sa presyo ng school supplies sa iba’t ibang bayan sa Isabela.

Ayon kay Gng. Imelda Antonio, unti-unti ang kanyang pagbili ng mga supply upang hindi siya gaanong mahirapan, ngunit ka-pansin-pansin ang pagtaas ng presyo ng kanyang binibili.

Aniya, kung dati, ang isang ordinaryong note¬book ay mabibili lamang ng P10, ngayon ay P12 na.

Ang mga mamahaling notebook ay umabot na sa P135.00 na dati ay nabibili lamang sa P130.00.

Napilitan ang mga mangangalakal na magtaas ng presyo dahil ang kanilang pinagkukuhanan ay nagtaas din kung kaya’t may dagdag-presyo rin ang kanilang panindang school supplies. REY VELASCO

Comments are closed.