SCHOOL TRANSPORT SERVICES, ININSPEKYON NG LTFRB

KASUNOD ng nalalapit na pagbubukas ng school year, ininspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang school transport services sa isang paaralan sa Mandaluyong City, nitong Biyernes.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, bahagi ito ng paghahanda ng ahensiya para sa face-to-face classes.

Kasama sa pag-iinspeksyon ni Garafil sina LTFRB Board Members Engr. Riza Marie Tan-Paches at Atty. Mercy Jane Paras-Leynes kung saan ay isa-isang sinuri ang mga School Transport Service units na gagamitin ng mga estudyante ngayong ipatutupad na ang Face-to-Face classes.

Nauna namang inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular No. 2022-066, na nagpapahintulot sa mga aktibong Certificate of Public Convenience (CPC) at Provisional Authority (PA) na mag-operate bunsod ng nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ayon sa ahensya, kahit ang mga paso nang CPCs ngunit may ‘pending application’ para sa pagpapalawig ng validity ay papayagan ding mag-operate.

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga operators, drivers at conductors ng school transport services na sundin ang mga inilabas nilang panuntunan upang maiwasan ang anumang kaprusahan, gaya ng pagpapawalang bisa ng kanilang CPC at PA.

Kasabay nito, upang matugunan ang pagtaas ng bilang mga mga pasahero sa pagsisimula ng face-to-face classes, ikinunsidera ng LTFRB ang pagbubukas ng 100 mga ruta, partikular sa mga university belt at iba pang lugar na may malaking konsentrasyon ng mga estudyante. EVELYN GARCIA