DAHIL bangkarote ang gobyerno, bawal muna ang mga biyahe, seminar, schooling, at iba pang hindi mahahalagang gastusin ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Cong. Eric Yap, isasantabi muna ang mga non-essential expenses tulad ng mga biyahe, seminar, at schooling dahil kapos sa budget ang bansa.
“Ang priority sa spending next year ay pambili ng bakuna para sa COVID, pagpapatayo ng ilan pang ospital, at imprastraktura”, ayon kay Cong. Yap.
Aniya, “ngayon pa lang sinasabi ko na, kulang ang pera natin next year dahil walang kinita ang gobyerno this year at abonado pa ito dahil sa COVID”.
“Kaya piling-pili lang ang paggasta natin next year sa mga importanteng bagay lang,”dagdag pa nito.
Wala ring ilalaan ang komite Cong. Yap na budget sa mga biyahe ng mga kawani ng pamahalaan lalo na sa abroad kung ito ay maaari namang ipagpaliban.
“Every peso counts next year at kailangan mabantayan na sa tama mapupunta ang pera ng taumbayan”, dagdag pa ni Cong. Yap. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.