SCHOOLS BALIK FACE-TO-FACE NA

BALIK na sa face-to-face ang ilang mag-aaral sa elementarya at sekondarya dahil sa pagbaba ng kaso ng Covid-19.

Kasabay ito ng pagsisimula ng ‘expansion phase’ ng in-person classes sa National Capital Region (NCR) kung saan mas maraming paaralan ang nakasama.

Tinatayang nasa 28 paaralan ang unang napasama sa pilot phase habang hindi pa matiyak kung ilan na ito sa ilalim ng expansion phase.

Alinsunod sa guidelines ng DepEd, tanging ang mga paaralan lamang na nakasailalim sa alert level 1 at 2 ang puwedeng magsagawa ng face-to-face classes sa bansa.

Samantala, pinaboran si Justice Secretary Menardo Guevarra na isailalim ng Inter Agency Task Force (IATF) ang NCR sa Covid-19 alert level 1 sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Guevarra, kung mananatiling stable at hindi aakyat ang bilang ng mga kaso ay maaaring ikonsidera ng IATF na ibaba ang alert level sa Metro Manila sa Marso.

Ayon kay Guevarra, hindi makatutulong sa bansa kung itataas ang alert level lalo na sa ekonomiya.

Aniya, mabuti ring obserbahan at bantayan ang epekto ng mass gathering sa pagsisimula ng election campaign period sa bansa.

Sa kasalukuyan nasa alert level 2 ang NCR at ibang bahagi ng bansa hanggang sa Pebrero 15. DWIZ882