SCHOOLS, GURO SA GUINEA, NAKAHANDANG ITULONG NI DUTERTE

PRES DUTERTE

HANDA ang gobyernong Filipinas na suportahan ang Papua New Guinea sa pagtatayo ng mga paaralan at pagpapadala ng mga guro upang tumulong sa pagpapaunlad sa kanilang bansa.

Sa pulong sa  Filipino community sa nasabing bansa, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa mga guro na magtungo sa Papua New Guinea  para tumulong sa pagtuturo sa mga kabataan.

Nasa Papua New Guinea ang Pangulo upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.

Mayroong 40,000 Filipinos sa nasabing bansa, karamihan ay   sa services at sa  agriculture sectors,  ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Pinuri rin ni Duterte  ang pamahalaan ng Papua New Guinea  sa paniniguro  na  maayos na tinatrato ang mga ­manggagawang Pinoy roon.

“I really thank you, Governor and the Prime Minister, that you have accommodated us and I’ve heard that you have treated us very well,” pahayag ni Duterte na ang tinutukoy ay si  East Sepik Governor Allan Bird, na naroon sa nasabing event.

Binigyang diin ni Duterte na masisipag  at matatalino ang mga ­manggagawang Pinoy na nasa nasabing bansa.

Nagpasalamat ito sa gobyerno ng Papua New Guinea  dahil sa tie-up para sa rice production sa Filipinas.

Matatandaang nagpadala ang Filipinas ng mga eksperto sa agrikultura sa nasabing bansa  upang tumulong sa pagtatanim ng palay, na ang sobrang produksiyon ay  ipadadala sa  bansa.

Comments are closed.