SCHOOLS HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES SA LUNES

HANDANG  handa na ang mga paaralan para sa pagsisimula ng face to face classes sa Lunes, Agosto 22.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa, naglatag ang bawat regional director ng mapping na ginawa nila sa mga lugar sa paaralan.

Maliban dito, tiwala aniya ang mga ito na sapat ang mga pasilidad para sa mga estudyante sa pasukan.

Dagdag pa ni Poa na magpapatupad sila ng mga estratehiya tulad ng blended learning para sa mga lugar na walang sapat na silid-aralan at upuan.

Maliban dito, sinabihan na rin nila ang mga regional director na kung may kakulangan sa teaching materials na gagamitin lalo na sa magsasagawa ng blended learning ay agad makipag-ugnayan sa kagawaran.

Samantala, ipatutupad ang limang araw na in person classes sa 24,765 na pribado at pampublikong paaralan habang 29,721 naman ipatutupad ang blended learning modality. DWIZ882