SCHOOLS HUWAG GAMITING EVAC CENTER

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iwasang gamitin ang mga eskwelahan bilang evacuation centers tuwing may kalamidad.

Ito’y kasunod ng pagsasabatas ng Ligtas Pinoy Centers Act na nagtatakda ng pagtatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ang mga paaralan  ay nagsisilbing santuwaryo ng kaalaman at pagiging malikhain.