INIHAIN ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Kamara ang House Bill 9142 na naglalayong itatag ang ‘Schools of the Future in Technology (SOFT)’ bilang haligi ng ‘basic education’ ng bansa at “magbibigay sa mag-aaral ng mga kaalaman sa makabagong teknolohiya para ihanda sila sa mga hamon ng ekonomiya at trabaho sa hinaharap.”
Pinamagatang ‘Philippine Schools of the Future Technology Act (PSOFTA) of 2019,’ sasagutin ng HB 9142 ang napipintong “technological and knowledge gap” na lilikhain ng nagsimula nang ‘Fourth Industrial Revolution’ na inaasahang “didiskaril sa mga ‘traditional business and employment models” at gagawing laos ang ilang propesyon at bubura sa trabaho ng mga manggagawa sa ilang sektor na ang mga gawain ay gagampanan na ng mga makina.”
Binanggit ni Salceda ang ilang pag-aaral na nagsasabing sa taong 2025, kalahati ng mga gawain ngayon ay buburahin ng “au-tomation” dahil sa pagsulong ng teknolohiya sa lahat ng aspeto ng lipunan. “Mga 65% ng kasalukuyang mga gawain ang mawawa-lang saysay sa loob lamang ng dalawang taon dahil sa makabagong mga teknolohiya, at bibilis pa ito sa hinaharap,” dagdag niya.
Kung hindi makakaagapay sa parating na ‘digital economy’ ang mga manggagawa sa hinaharap, marami ang mawawalan ng tra-baho, babagal ang ekonomiya, marami ang maghihirap, “ngunit ang kaalaman sa teknolohiya ng mga kabataan ay magbibigay sa kanila ng pagkakataong makapaghanapbuhay,” paliwanag niya.
Sa ilalim ng HB 9142, magtatatag at isusulong ng Department of Education (DepEd) ang programang SOFT sa mga paaralan. Iaatas ng programa ang 1.) patuloy na pagsasanay ng mga guro upang mapataas ang antas ng kanilang kaalaman at magampanan ang kanilang mga tungkulin; 2.) mag-uugnayan ang DepEd at DICT sa pagtatatag ng maasahang ‘Hybrid Intranet Connectivity’ sa lahat ng mga paaralan ng pamahalaan;
3.) Magkakaroon ng bagong laptop ang bawat estudyante sa ilang antas para mapadali ang pag-aaral nila; 4.) magtatatag ng mga ‘digital classrooms’ na kompleto sa mga kagamitang ‘digital;’ at 5.) magbibigay ng masusing pagtuturo ang mga pampublikong paaralan lalo na sa mahihirap, upang lubos silang makasali sa programa.
Bibigyang karapatan din ang DepEd na makipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya para sa mabisang pagpapatupad ng pro-grama sa mga pamayanang liblib at mabigyan ng kahusayan ng ICT ang mga kabataan para maihanda sila sa inaasahan at nalalapit na ‘digital economy.’
Kasama sa mga panuntunang gabay ng programang SOFT ang mga sumusunod: a) Mapapabilis ng teknolohiya ang pag-aaral upang makaagapay sa mga hamon sa hinaharap; b) Mabisang matututunan ang mga aralin sa pamamagitan ng mga ‘personalized learning modules’ at maluwag na iskedyul; c) Mapapataas nito sa akmang antas ang ugnayan ng mga mag-aaral at paaralan; d) itatalaga ang mga ‘in-terdisciplinary teaching modalities’ para matuto ang mga mag-aaral sa iba’t ibang kumplikadong aralin; at e) Uso ang malayuang pag-aaral ngayon, ngunit higit na komprehensibong paraan ang isasagawa upang matugunan ang lahat ng aspeto ng paghubog sa mga nag-aaral.
Comments are closed.