SCHOOLS SA TUITION HIKE DUMOBLE

Rep Sarah Elago.jpg

DUMOBLE ang bilang ng mga eskuwelahan na nakatakdang magtaas ng tuition sa academic year 2019-2020.

Dahil dito ay nangangamba  ang grupo ng mga kabataan na lalong mahihirapan ang mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak.

Sinabi ni  Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, tinatayang 1,400 private school sa elementary, high school at kolehiyo ang nakatakdang magtaas na hindi lalagpas sa 15% sa kasalukuyang tuition.

Ang bilang na ito ay doble sa  700 private schools na nag-a-apply noong Enero para magtaas ng tuition sa papasok na school year habang ang  hinihinging dagdag na tuition   ay dumoble rin  dahil noong Enero ay tinatayang 6% hanggang 8% lamang ito.

Noong 2018 ay may  1,000 private schools ang pinayagan ng DepEd na magtaas ng matrikula  habang 300 universities and colleges naman ang binigyan ng CHED ng go signal para magtaas ng matrikula at iba pang bayarin.

Sa kasalukuyan ay  libre na ang tuition sa public schools mula elementarya hanggang kolehiyo subalit hindi umano kayang  ma-accommodate ang lahat ng estudyante kaya marami pa rin ang nag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan.     NENET VILLAFANIA

Comments are closed.