Nais isulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng makabago at science-based na solusyon sa disaster response upang makasabay sa hamon ng panahon.
Sa ika-24 na Gawad KALASAG National Awarding Ceremony, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapabuti ng disaster risk reduction and management (DRRM) at hinikayat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga ahensya, at local government units na magtulungan.
Giit ng Pangulo, dapat na nakakasabay ang ating teknolohiya para sa patuloy na pag-unlad at pagtugon ng mga problemang kinakaharap ng bansa.