Science for Change Act, ibabalik ang PH bilang sentro ng R&D sa ASEAN

TIYAK na maibabalik ang Filipinas ng ‘Science for Change Act’ na pinagtibay kamakailan ng ‘Science Committee’ ng Kamara, bilang ‘research and development (R&D) hub in science and technology’ o sentro ng pananaliksik sa agham at teknolohiya sa rehiyon ng ASEAN, habang bumibilis ang pagsulong ng teknolohiya sa mundo.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang pangunahing may-akda ng panukala, nais niyang manguna ang Filipinas bilang sentro ng R&D gaya ng dati, kung kailan itinuturing ito ng mga ahensiya sa pananaliksik gaya ng ‘IRRI (International Rice Research Institute), Texas Instruments’ at iba pa, na dapat nilang kalagyan sa rehiyon ng ASEAN.

“Kaya nating ibalik iyon uli,” giit ni Salceda na chairman ng ‘House Ways and Means Committee’ at pangunahing may-akda ng mahahalagang reporma sa ekonomiya gaya ng ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act’ na nilagdaan na ni Pangulong Duterte kamakailan.

“Ang isang problema ay matagal nating hindi binigyan ng sapat na atensiyon at suportang pondo ang ‘Science and Technology (S&T) o agham at teknolohiya. Sa loob ng ASEAN, Indonesia lamang ang naglalaan ng higit na maliit na bahagi ng kanilang GDP sa R&D,” puna ni Salceda.

Ang Filipinas ay naglalaan lamang ng 0.16% ng GDP nito sa R&D. Halos tatlong beses o 0.44% naman ang inilalalaan ng Vietnam dito, samantalang ang Singapore na nangunguna sa kanila ay 2% ang itinatalaga rito. Ipinaliwanag niya na may kaugnayan ang pagsulong ng isang bansa sa ginagasta nito sa R&D, dahil ang talino at kaalaman ay sadyang malaki ang bahagi sa pundasyon at pagsulong ng yaman ng mga bansa.

Sa ilalim ng panukala, lilikhain ang’Harmonized National Research and Development Agenda (HNRDA),’ palalawakin ang mahahalagang programa ng Department of Science and Technology (DOST),’ magtatalaga ng ‘Science for Change Fund, iaatas sa gobyerno na isulong ang mahahalagang ‘technological developments,’ palalaguin ang ugnayan sa agham ng pribado at pampamahalaang sektor, at inaatasan ang pamahalaan na paabutin sa 2% ng badyet ng DOST ang laang pondo para sa S&T.

“Inaamuki ko rin ang mga ‘investment promotions agencies (IPAs)’ na isulong ang Pilipinas na maging ‘research hub.’ Kasama sa mga iimbitahan natin ang mga kompanyang may mga ‘research facilities’ dahil mabisang instrumento rin sila sa paglipat ng teknolohiya at pang-matagalang pag-asenso. Kung ang mga kabataan natin ay matututo at mahihirang sa naturang mga ‘research hubs,’ magkakaroon tayo ng henerasyon ng mga imbentor, malikhaing mga negosyante at tagapagtatag ng ating hinaharap,” paliwanag niya.

Naghihintay ngayon ng aksiyon ang ‘Science for Change bill’ sa ‘Committee on Appropriations’ ng Kamara.

3 thoughts on “Science for Change Act, ibabalik ang PH bilang sentro ng R&D sa ASEAN”

  1. 523562 660976Having been merely looking at useful blog articles with regard towards the project research when My partner and i happened to stumble on yours. Thanks for this practical information! 50520

Comments are closed.