ISASARA na ang nominasyon para sa fourth enshrinement ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo, Enero 31, at sisimulan na ng mga komite ang final selection.
“We have already received additional nominations since the extension of submissions, and we are expecting for more as we near the deadline,” wika ni PSHOF 2020 Selection Committee chairperson at Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Nakatakdang makipagpulong si Ramirez sa mga miyembro ng Selection Committee na kinabibilangan nina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, Philippine Olympic Committee (POC) Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary-General Atty. Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr., at Philippine Olympians Association President Akiko Thomson Guevara sa February 11 para sa presentasyon ng mga nominee.
Nauna rito ay pinagtibay ng selection committee ang isang resolution na nag-aapruba sa automatic nomination ng Olympic medalists, at ang posibilidad ng pag-sasagawa ng awarding sa isang virtual platform dahil sa pagbabawal sa mass gatherings.
Pinangalanan din ni Ramirez ang mga miyembro ng Review Committee, na inatasang masusing suriin at i-shortlist ang nominasyon bago ang desisyon ng Selection Committee.
Ang Review and Evaluation Committee ay binubuo nina Joaquin Henson ng Philippine Star, Eduardo Andaya ng Peoples Tonight, Lorenzo Lomibao Jr. ng Business Mirror, Eriberto Talao ng Manila Bulletin, Eduardo Catacutan Jr. ng Spin.ph, Jose Antonio ng People’s Journal, Reynaldo Bancod ng Daily Tribune, at Prof. Theresa Jazmines ng UP College of Mass Communication.
“We asked for the expertise of our notable sports media friends to form the review and evaluation committee, for they are the timekeepers of Philippine sports, and have covered the many great achievements of our Filipino athletes,” dagdag ni Ramirez.
Sa bisa ng Republic Act No. 8757 o ang Philippine Sports Hall of Fame Act, iniluklok ng pinakamataas na sports award-giving body ang Filipino athletes, coaches, at trainers na may mahalagang naiambag sa Philippine sports magmula sa unang induction nito noong 2010.
Kabilang sa past recipients ng award ay sina Asia’s First Chess Grandmaster Eugene Torre, Asia’s Fastest Woman Lydia de Vega, Bowling World champions Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno and Olivia ‘Bong’ Coo, at Filipino Boxing legend Gabriel ‘Flash’Elorde.
Comments are closed.