SCREENING SA MGA DAYUHAN IPINATUPAD SA CAGAYAN

screening

ISANG pagpupulong ang isinagawa ng Department of Health (DOH) Region 2 upang ipaliwanag ang mga proseso sa pag-screen sa mga indibiduwal na papasok sa nasabing rehiyon na maaring makitaan ng sintomas ng novel coronavirus (nCoV).

Kasama sa pulong ang mga pamunuan ng terminal buses Office of Civil Defense, kabilang ang mga kinatawan ng mga district hospital at ang Cagayan Economic Zone Authority (CESA).

Sinabi ni Pauleen Atal ng DOH-Region 2, layunin ng pagpupulong ay upang bigyan ng kaalaman ang mga nasabing pamunuan kung sakaling may mga kakikitaan ng sintomas ng nCoV sa mga nasasakupang lugar, at ang hakbangin na ito ay upang makatiyak na walang makakapasok na may nCoV sa rehiyon.

Samantala ipinag-utos na rin ni Secretary Raul Lambino, CEO ng Cagayan Economic Zone Authority, ang pagkansela sa lahat ng chartered flights mula sa Macau at iba pang bahagi ng China na lalapag sa Cagayan North International Airport sa Lallo, Cagayan.

Sinabi pa ni Lambino na kaya niya ikinansela ang flight mula sa bansang Macau patungo sa International Airport sa Lallo, layunin nito na mapigilan na makapasok sa Cagayan ang novel coronavirus.IRENE GONZALES

Comments are closed.