SCREENING SA MGA OFW PINAHIGPITAN NG BI

Commissioner Jaime Morente-5

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga tauhan sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na higpitan ang screening sa mga umaalis na overseas Filipino workers (OFWs) makaraang makatanggap ang ahensiya  tungkol sa modus ng sindikato sa pagre-recruit ng mga menor de edad  palabas ng bansa.

Ayon  kay Immigration Commissioner Jaime Morente, binigyan niya ng instruction ang BI Port Operations Division Chief ng NAIA na nasa legal age ng mga OFW ang papayagang lumabas ng bansa at  dapat ay eligible para sa overseas deployment.

Kaya utos nito, kapag  kahina-hinala ang  pasahero ay agad na i-refer sa mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) para sa  secondary inspection.

Ipinag-utos ni Morente ang strict screening makaraang masakote ng kanyang mga tauhan sa NAIA Terminal 1 ang isang 21-anyos na Filipina household worker bago sumakay sa kanyang Philippine Airlines flight patungong Saudi Arabia.

Nadiskubre ni Glenn Ford Comia, BI TCEU-NAIA 1 head supervisor na  matapos ang  initial  questioning ay  inamin ng Pinay na hindi siya 25-anyos bagkus ay 21-anyos  pa lamang siya.

Agad na inilipat ang Pinay sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang impormasyon upang malaman kung sindikato ang  nasa likod ng pagpapaalis sa biktima.  FROI MORALLOS

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *