SEA AMBULANCE SA COASTAL AREA

BULACAN- NAGLAAN ang pamahalaang panlalawigang ng mas malaki, mabilis at ligtas na Sea Ambulance na itatalaga sa isla ng Pamarawan District Hospital sa Malolos sa lalawigang ito.

Makikinabang dito ang mga mamamayan na nangangailangan ng serbisyong medical mula sa iba’t ibang isla sa coastal barangay.

Tinatayang aabot sa P8 milyon mula sa buwis ng taumbayan ang ginamit sa pagbili ng naturang Sea ambulance na malaking tulong sa mga nangangailangan.

Bagaman isang infermary faci­lity pa lamang ang pagamutan sa isla, kailangan pa rin na madala sa Bulacan Medical Center ang mga pasyenteng nangangailangan ng extensive medical services gaya ng mga na­nganganak na cesarean.
THONY ARCENAL