SEA GAMES: BIADO PAMBATO NG BILLIARDS

Carlo Biado

ISA sa mga inaasahan ng billiards sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games si Carlo Biado.

Ayon kay coach Rodolfo ‘Boy’ Luat, kumpiyansa siyang muling magwawagi ang 35-­anyos na billiards wizard mula sa Rosario, La ­Union dahil sa ang­king galing at malawak na karanasan nito na nakuha sa pagsabak sa mga torneo sa labas ng bansa, kabilang ang World 9-Ball sa Qatar at Asian Indoor Games at Martial Arts sa Turkmenistan na kanyang pinagharian.

“We fielded our best players and Biado is one of our best bets for the gold,” sabi ni Luat sa panayam ng PILIPNO Mirror.

Kumpiyansa rin si billiards secretary general at Philippine Olympic Committee official Robert Mananquil na muling mangingibabaw ang mga Pinoy.

“Looking back at their performances in the last two staging of the SEA Games where they won medals, I don’t see any reason not to win again,” sabi ni Mananquil.

Para kay Biado, disiplina, dedikasyon, perseverance at determinasyon ang kanyang magiging sandigan upang magtagumpay.

Bukod sa kanya, isasabak din ng billiards sina Warren Kiamco, Dennis Orcollo, Alvin Barbero, Rubilyn Amit at Chezka Centeno.

Ang mga Pinoy ay regular na nag-eensayo sa Philippine Center for Sports Medicine building bilang paghahanda sa SEA Games.

Ang billiards ay lalaruin sa Manila Hotel. CLYDE MARIANO

Comments are closed.