CAMP CRAME – NAKA-DEPLOY sa mga venue ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) ang mga bagong biling truck ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesman B/Gen. Bernard Banac, katulad ng unang direktiba ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, sa SEA Games muna ipagagamit ang mga sasakyan bago man ito ipamahagi sa iba’t ibang regional police unit.
Gagamitin aniya ang 34 na utility truck para sa mobilization o pagbiyahe lalo na sa deployment ng mga pulis na magbibigay seguridad sa sporting event.
Bukod sa utility trucks, gagamitin din para sa palaro ang nasa 21 Explosive Ordinance Device at K9 patrol vehicles.
Naka-standby na rin ang mga helicopter na maaring gamitin kung kinakailangan.
Noong nakalipas na linggo lang ay ibinida ng PNP ang P3.9 billion ng mga bago nilang kagamitan na bahagi ng kanilang modernization program. REA SARMIENTO
Comments are closed.