KUALA LUMPUR— Pormal na tatanggapin ng Filipinas ang South East Asian Games flame mula sa 2017 host Malaysia sa isang handover ceremony ngayong araw.
Nakatakdang tanggapin ni Philippine Olympic Committee board member Cynthia Carrion ang flame mula kay Malaysia Olympic Committee president Norza Zakaria sa isang ceremonial lighting ng parol na inilagay sa world-renowned Bukit Jalil National Stadium sa Malaysian capital.
Dadalo sina Philippine South East Asian Games Organizing Committee Chief Operating Officer Ramon Suzara at Commissioner Celia Kiram ng Philippine Sports Commission sa event na hudyat ng countdown sa opening ng 11-nation meet sa Nob. 30 sa Philippine Arena in Marilao, Bulacan.
Ang Phisgoc ceremonies and cultural events department ang nag-oorganisa sa seremonya bilang bahagi ng serye ng events, tampok ang symbolism ng SEA Games torch at flame.
“The flame handover is an important symbolic ceremony showing the turnover of responsibilities from past host to present,” wika ni Phisgoc ceremonies director Mike Aguilar.
Labing-isang bansa – Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Timor Leste at Vietnam – ang magbabakbakan sa Nov. 30-Dec. 11 sa 56 sports ng Games na lalaruin sa apat na main venues sa Clark, Subic, Manila at Tagaytay.
Comments are closed.