TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na ‘on track’ na ang preparasyon ng bansa para sa hosting ng Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11.
Ayon sa senador, sampung araw na lang at magsisimula na ang SEA-games sa bansa na kung saan ay patuloy ang pagmo-monitor ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasama na ang paghahanda sa mga lugar na pagdarausan, seguridad at iba pang preparasyon.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Go sa mga ahensiya at mga kababayan na nag-volunteer na tumulong para maging matagumpay ang hosting ng bansa sa SEA games.
Sinabi pa nito, ilang taon na rin ang nakaraan mula nang huling nag-host ang bansa sa biennial meet kaya naman pagkakataon na itong muli upang patunayan ang husay sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Dahil dito, umaasa ang senador na aangat ang bansa mula sa dating ika-6 na puwesto sa Malaysian SEA games.
Siniguro ni Go na nakatutok ang ehekutibo sa preparasyon na ngayon ay nasa 90-95% nang handa ang iba’t ibang venue ng mga laro sa bansa.
Kaugnay nito, muling nilinaw ng senador na walang anomalya ang cauldron na nagkakahalaga ng P55 milyon at kung sakaling mayroong iregularidad ay handa siyang pangunahan ang imbestigasyon hinggil dito. VICKY CERVALES
Comments are closed.