SEA GAMES: PINOY BOOTERS SASALANG NA

Pinoy Booter

Mga laro ngayon:

(Rizal Memorial Football Stadium)

4 p.m. – Malaysia vs. Myanmar (Men’s Group A)

8 p.m. – Philippines vs. Cambodia (Men’s Group A)

(Binan Stadium, Laguna)

4 p.m. – Vietnam vs. Thailand (Women’s Group B)

8 p.m. – Philippines vs. Myanmar (Women’s Group A)

 

TANGAN ang hometown edge, sasalang sa aksiyon ang Philippine National Under-22 at ang national women’s squads ngayon sa pagsisimula ng 30th Southeast Asian Games football championships sa Rizal Memorial Football Stadium sa Manila at sa Binan Stadium sa Laguna, ayon sa pagkakasunod.

Pangungunahan ni Azkals skipper Stephan Schrock, isa sa dalawang senior players  na pinayagan sa PH Under-22  squad,  sisimulan ng Pinoy booters ang kanilang Group A campaign laban sa Cambodia sa alas-8 ng gabi matapos ang bakbakan ng Malaysia atd Myanmar sa alas-4 ng hapon sa parehong grupo.

Mahaharap sa mabigat na laban ang Malditas, ang tawag sa women’s squad, sa powerhouse Myanmar sa alas-8 ng gabi sa Group A kasunod ng Group B match sa pagitan ng Vietnam at ng defending champion Thailand sa alas-4 ng hapon.

“We will take it one match at a time,” wika ni Serbian coach Goran Milosevic, na pinamahalaan ang National Under-22 squad noong Agosto.

“The first game is always very important and if they follow our instructions and give their best, our boys can win,” dagdag ng ex-national team player sa ilalim ng dating Yugoslavia.

“The quality that these coaches bring (to the team) is making a huge difference. Their dedication has been excellent and has impacted our players,” sabi naman ni Stallion FC coach Ernie Nierras, na miyembro rin ng coaching staff. “They based their selection on talent, skill and merit.”