HIGIT sa pagho-host ng 2019 Southeast Asian Games, sisiguraduhin ng Filipinas na magiging pinakamahusay ito sa kasaysayan ng biennial meet.
Ito ang tiniyak ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Alan Peter Cayetano sa harap ng mga espekulasyon na hindi na matutuloy ang SEA Games sa bansa.
Lumutang ang mga report na posibleng umatras ang Filipinas sa SEAG hosting dahil sa problema sa budget.
“Tuloy na tuloy ang SEA Games, walang atrasan,” aniya sa isang press conference kahapon sa Taguig.
“At hindi lang tuloy, we have a commitment to make it the best SEA Games ever at makikita ng buong mundo kung ano ang spirit ng isang Filipino.”
Gayunman ay inamin ni Cayetano na maraming pagsubok na kinakaharap ang PHISGOC sa hosting ng SEA Games, na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang venues.
Isa na rito ang nauubos na budget, na ibinaba sa P5 billion mula sa panukalang P7.5 billion.
Ayon kay Cayetano, ang budget ay dapat itaas sa P6 hanggang P6.5 billion.
“Hindi po totoo na lump sum ang sinubmit namin sa gobyerno. Ang sinumbit po namin sa gobyerno ay itemized na 7.5 billion na budget,” dagdag ni Cayetano.
Comments are closed.