SEAG: 7 SA 56 SPORTS LALARUIN SA RMSC, PHILSPORTS

RMSC and PhilSport

TULAD ng ipinangako, siniguro ng Philippine Sports Commission (PSC) na ang newly restored Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex sa Pasig City ay magiging bahagi ng makasaysa­yang event ngayong taon sa Philippine sports.
Pito sa 56 sports para sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ay lalaruin sa RMSC at Phil-Sports.
Ang renobasyon ng nasabing complexes ay naisagawa dahil sa donasyon na ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na nagkakahalaga ng P842-million at hindi bahagi ng SEA Games budget.
“This is a sporting heritage that will always remind us of the hardships, failures and victories of every Filipino athlete,” wika ni Team Philippines Chef de Mission at PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Noong Lunes, ang men’s football competitions ay binuksan sa newly restored RMSC football pitch, limang araw bago ang SEA Games opening ceremonies sa Sabado, Nobyembre 30, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ang 6000-seater Ninoy Aquino Stadium ay magiging playing venue para sa weightlifting at taekwondo competitions, habang ang Rizal Memorial Coliseum ay handa na para salubungin ang mga panauhin para sa gymnastics event.
Ang RMSC tennis courts ang magiging host sa lawn tennis at soft tennis competitions at ang indoor volleyball actions ay masasaksihan sa newly improved Multi-Purpose Arena sa PhilSports.
“These restored facilities are not only for SEA Games but for Team Philippines so they can have a morale boosting inspiration that will eventually result to a levelled-up performance. This is not for PSC, this is for Team Philippines and our future generations,” wika ni Ramirez.

Comments are closed.