MAAARING nagkaroon ng problema sa pagsasanay ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games, subalit naniniwala si Chef de Mission Ramon Fernandez na may sapat pang panahon para makapaghanda ang mga Filipino athlete sa biennial meet na gaganapin sa Vietnam sa Nobyembre.
Sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition, sinabi ni Fernandez na ang three-month intensive training ay magiging sapat para magawang makipagsabayan ng Philippine contingent sa Nov. 21-Dec. 2 event.
Target ng bansa na mapanatili ang SEA Games overall championship na napanalunan nito noong 2019 nang idaos ang multi-sports event sa bansa.
“I just hope three months would really be enough for them to perform still at their peak or at their very best,” pahayag ng 67-anyos na si Fernandez sa weekly session.
Ang bubble training para sa Filipino athletes ay nakatakda sanang umarangkada ngayong Huwebes sa Inspire Sports Academy sa Laguna, subalit kinailangang kanselahin dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Bagaman isinailalim na ang NCR Plus sa mas maluwag na modified enhanced community quarantine (MECQ) simula noong Lunes, ang group practices at scrimmages ay hindi pa rin pinapayagan sa Joint Administrative Order (JAO) na binuo ng PSC, Games and Amusement Board (GAB), at ng Department of Health (DoH).
Sa kanyang pakikipagpulong sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee (PSC-POC) Task Force, tinanong ni Fernandez ang body hinggil sa timeline para sa paghahanda ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) para sa SEA Games.
Nakausap ng PSC commissioner sina POC Deputy Secretary General Karen Caballero at Deputy Chef De Missions Al Agra at Pearl Managuelod, kasama ang PSC managers at staff, sa pangunguna nina Executive Secretary Guillermo Iroy, Merly Ibay, Queenie Evangelista, Anne Ruiz, at national team Training Director Marc Velasco.
“That’s the first question I asked the POC-PSC Task Force to prepare a program kung ano ang timeline nila, the minimum number of days, months to prepare your athletes to be ready by the or the end of November and December,” wika ni Fernandez, dating PBA MVP at Hall of Famer.
“‘Yun ang unang tinanong ko sa kanila to be very competitive also with the thought of being able to, if not, retain our championship or come up with a very decent result and performance in Vietnam.
“It’s hard to say, but thinking from an athletes’ point of view, tingin ko itong mga athletes na ito kondisyon naman ito, at nag-eensayo naman ito on their own.”
Idinagdag pa ni Fernandez na naglaan ang PSC ng kabuuang P200 million budget para sa kampanya ng bansa sa SEA Games, kalahati rito ay gagamitin para sa aktuwal na paglahok ng mga Pinoy at ang nalalabing kalahati ay para sa pagsasanay ng mga atleta.
“Holding a bubble training however like the one the government agency funded at the Inspire Sports Academy is too costly,” ayon kay Fernandez.
Ang boxing, karate, at taekwondo ay mahigit isang buwang nagsanay sa Inspire bilang paghahanda ng kanilang mga atleta para sa kani-kanilang qualifiers sa nalalapit na Tokyo Olympics.
“About 45 days, three sports lang pero P21 million ang ibinayad natin sa Inspire. So if you put all 39 sports in a bubble, how much will that cost,” ani Fernandez.
890988 875589Thanks for all your efforts that you have put in this. extremely intriguing info . 846186