TATALAKAYIN ang 31st Southeast Asian Games at pahapyaw sa UAAP side sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Sasamahan ni Philippine Rowing Association president Patrick Gregorio sina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) counterpart Ed Picson at secretary general Marcus Jarwin Manalo bilang special guests upang talakayin ang kampanya ng kani-kanilang federation sa May 12-23 biennial showcase sa Hanoi, Vietnam.
Magbibigay rin si Gregorio ng pahayag sa pagsilat ng University of the Philippines sa dating walang talong Ateneo De Manila na nagpuwersa sa Final Four sa Season 84 ng UAAP men’s basketball tournament. Ang sports official ay isa sa major boosters ng title campaign ng Fighting Maroons ngayong season.
Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.
Ang weekly public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang session ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa parehong araw mula alas-3:30 hanggang alas-5 ng hapon sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ang livestreaming sa kanilang Facebook page.