PAG-UUSAPAN ang tsansa ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa pagbabalik ng virtual Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, April 19.
Tatalakayin ni SWP president Monico Puentevella ang kampanya ng Filipino lifters na higitan ang dalawang gold medals na napagwagian sa huling edisyon ng biennial meet na idinaos sa bansa noong 2019.
Gaganapin ang SEA Games sa May 12-23 sa Hanoi, Vietnam.
Ang weekly session na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay magsisimula sa alas-10 ng umaga.
Ang public sports program ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa kaparehong araw sa alas-3:30 hanggang alas-5 ng hapon sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ang livestreaming sa kanilang Facebook page.