SEAG: EQUIPMENT NG NSAs TINIYAK NA MAIBIBIGAY

William Ramirez

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Philippine Sports Commmission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagbili ng mga kagamitan na kinakailangan para sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games, subalit tiniyak sa sports associations na gagawin ng ahensiya at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang lahat para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“The PSC and the POC, through Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino have taken steps to ensure that the national sports associations will have their equipment ready for the their hosting of the SEA Games,” wika ni Ramirez.

Inayos na nina Ramirez, na siya ring Chief of Mission ng bansa sa biennial Games, at POC chief Tolentino ang mga mekanismo na sumiguro na matutugunan ng sports associations ang technical requirements upang matiyak ang tagumpay ng Games.

Ayon kay Tolentino, ang POC na ang mangangasiwa sa pagbili ng mga kagamitan na tutukuyin ng NSA base sa requirements na itinakda ng kani-kanilang Asian and International Federations.

“These equipment will be based on the requests of the NSA. The Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) will inform us of the requirement based on the NSA requests to the PSC, which will provide the financial assistance for their purchase,” ani Tolentino.

Tiniyak din niya na ang lahat ng kontrata at purchases ay magiging transparent at tutugon sa requirements na itinakda ng pamahalaan, kabilang ang  Commission on Audit (CoA) at Department of Budget and Management (DBM).

Sa kanyang panig, sinabi ni Ramirez na tiniyak ng pamahalaan ang buong suporta sa SEA Games.

“Government will fund what is needed, especially by the NSA, when they host their respective events,” aniya.

“We have a few months left,” sabi ng PSC chief. “But we have ample time to purchase all the necessary equipment needed by the NSA in hosting their events.”

Comments are closed.