SEAG: GOLDEN SWEEP PUNTIRYA NG PH SKATEBOARDING TEAM

Skateboarding

TARGET ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines ang golden sweep sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

May magandang paliwanag ang presidente nito na si Monty Mendigoria sa kanilang pinupuntirya.

“Yes, we’re looking at sweeping all of our eight events in the SEA Games,” wika ni Mendigoria, na inaasam na maging most bemadalled federation sa prestihiyosong biennial meet na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I am confident of my projection because when we decided on what events to play, I was told by (Philippine Olympic Committee president) Cong. Bambol (Tolentino) to put in those where we can surely win the gold medal.”

“And I can say that we are unbeatable in all of the events that we have included.”

Itinuturing na powerhouse sa rehiyon, ang Filipino skateboarders ay nagtataglay ng talento na magbibigya sa kanila ng tagumpay sa men at women’s categories ng street, game of skate at downhill events.

Pangungunahan ni Margielyn Didal, ang reigning champion sa women’s street event ng Asian Games, ang kampanya ng bansa, kasama sina Christiana Means, Jericho ‘Kiko’ Francisco at iba pang talented Filipino-foreign athletes mula sa Europe at United States.

Bagama’t tumanggi si Mendigoria na ihayag ang pangalan ng iba pa na bumubuo sa koponan upang maiwasan na ma-scout sila ng mga bansa na tulad ng  Thailand at Malaysia, tiniyak niya na magbibigay ang mga ito ng karangalan sa bansa.

“We are very optimistic,” aniya, at idinagdag na ang kanyang mga player ay pawang  world-class, salamat sa all-out support na ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission (PSC).

“The PSC and chairman William Ramirez are behind us 150 percent. Although there are some delays, they still make sure to provide everything we need as far as our training and preparations for the Southeast Asian Games are concerned.”

“That’s why we are working hard. We want to repay the trust of the PSC and our private sponsors by coming up with a victorious performance in the upcoming SEA Games.”

Comments are closed.