PLANO ni Gina Iniong na gamitin ang kanyang Southeast Asian Games incentive sa kanyang paghahanda para sa kanyang unang laban sa 2020 kontra Asha Roka ng India sa ONE: Fire & Fury sa Enero 31 sa Mall of Asia Arena.
Ang Pinay atomweight mula sa Team Lakay ay nagwagi ng gold medal sa kickboxing sa katatapos na 30th SEA Games na idi-naos sa bansa.
Ayon kay Iniong, bahagi ng P850,000 incentive ay gagamitin niya sa paghahanda para sa susunod niyang pagsabak.
“I’m planning to use some of the funds to help with my training and also save up because I want to put up a business,” ani Ini-ong.
“I’m yet to figure out what business. For now, my focus is on my next fight,” dagdag pa niya.
Maraming isinakripisyo si Iniong upang masungkit ang gold sa biennial sports meet, isa na rito ang kanyang honeymoon.
“I’ll be back straight to training. I just got back to MMA so I want to focus on that. My husband is very understanding of what I do,” aniya.
“Coach Mark Sangiao also asked me to skip my holiday plans for now because I have a fight coming up,” dagdag pa niya.
Sumirit din ang kumpiyansa ni Iniong sa all-time hight matapos ang kanyang matagumpay na kampanya sa SEA Games.
“My confidence has doubled after I won gold at the SEA Games because my hardship in training came to fruition,” aniya.
“I plan to do the same for my next fights.” CLYDE MARIANO
Comments are closed.