SEAG LINEUP APRUB SA PSC

Ramon Fernandez

INAPRUBAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang  lineup ng Southeast Asian Games (SEAG)-bound sports bagaman hinihintay pa nila ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pagpapatuloy ng training.

Sinabi ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, ang 31st SEAG Chef de Mission, na nagpasiya ang PSC board na gawin ito upang mapabilis ang paghahanda para sa pagdepensa ng bansa sa overall crown.

“We will still await the IATF’s approval to formally resume, but we hope to have everything in place so we can immediately go once we get the green light.”

Inaasahang matatanggap ng mga atleta ng SEAG-bound sports at ng iba pa sa national team ang kanilang allowances retroactive ng February bagaman sa kalagitnaan pa ng Abril tinatayang magsisimula ang SEAG training.

Nagpalabas na ng abiso sa  national sports associations (NSAs) para sa agad na pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento bilang bahagi ng regular accounting at auditing rules ng ahensiya.

Ayon sa PSC, ang mga atleta sa  Olympic-bound sports ang unang makatatanggap ng allowances na ipinalabas nitong linggo. Ang kanilang allowances  ay nagpatuloy hanggang noong Enero, na  evaluation season, dahil patuloy ang kanilang training.

Mahigit sa  50 atleta ang sumailalim sa bubble training sa first quarter bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa quadrennial meet sa Tokyo.

“It took a while to go through the reassessment of our more than 1,300 strong national team.  We have to also follow requirements and policies since we are using government funds, but it is now done and subsequent processes have been started,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez.

Sa pagsisimula ng taon ay sumailalim ang national team sa reevaluation kung saan binuo ang national team roster para sa taon. Bilang polisiya ay tinapyasan ang allowances, ngunit pinanatili ng ahensiya ang allowances ng Olympic-bound sports dahil ipinagpatuloy nila ang kanilang training.

Patuloy ring sinuportahan ng PSC ang SEAG at Olympic preparations ng iba’t ibang sports sa kabila ng malaking bawas sa budget. Halos P4 million ang inaprubahan para tustusan ang joint training camp ng boxing sa Thailand, kabilang na rito ang P1.2 million na quarantine fees. CLYDE MARIANO

One thought on “SEAG LINEUP APRUB SA PSC”

Comments are closed.