MAGSISILBING tuntungan ng mga Filipino athlete ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam para makapaghanda sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China at sa 2024 Paris Olympics, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
“We are expecting that the SEA Games will be a great exposure for our athletes going to the Asian Games up to the Olympics just like what we did last time,” sabi ni Ramirez, na mahigpit na sinusubaybayan ang progreso ng Team Philippines sa SEA Games mula sa Manila.
Ang PSC ay tuloy-tuloy na nagkakaloob ng financial support sa buong 980-strong Philippine delegation sa nagpapatuloy na 11-nation biennial kung saan sasabak ang 641 Filipino athletes sa 38 sports.
“Our medalists who will go through qualification for the 2024 Olympics will get the preparation that they need here in the SEA Games, in the Asian Games and other high-level international games,’’ sabi ni Ramirez.
“By supporting the entire delegation, you are also giving the opportunity for non-medalists to become outstanding athletes in the future,’’ dagdag ni Ramirez.
Muling nagpasalamat si Ramirez kay Presidente Rodrigo Duterte at sa mga mambabatas, gayundin sa Philippine Amusement and Gaming Corporation at sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa pagkakaloob ng pondo sa Team Philippines sa SEA Games sa halagang P232 million.
“The President has been very supportive while our lawmakers helped us with the budgetary constraints in the SEA Games,’’ anang PSC chief. CLYDE MARIANO