SEAG MARATHON CROWN BABAWIIN NI HALLASGO

PHNOM PENH – Sisikapin ni Christine Hallasgo na hubaran ng korona ang defending champion mula Indonesia, habang magtatangka sina Richard Salano at Arlan Arbois sa podium finish sa pagsisimula ng bakbakan sa athletics sa 32nd Southeast Asian Games marathon competitions alas-6 ng umaga ng Sabado sa Sim Reap City.

Pipilitin ni Hallasgo, ang marathon champion sa 2019 edition ng games bago nagkasya sa silver medal noong nakaraang taon sa Vietnam, na mabawi ang korona sa tulong ni teammate, newcomer Ruffa Sorongon.

Makakalaban niya sina champion Odekta Elvina Naibaho ng Indonesia at bronze medalist Ngoc Hoa Hoang Thi ng Vietnam.

“Overall, the team is ready. Napaganda ‘yung maagang dating namin dito, hindi hurried at unti-unti nagse-settle in time for the competitions. Our athletes are not tense. They are ready to compete,” wika ni athletics’ secretary general Edward Kho.

Samantala, hahamunin nina Salano at Arbois ang dominasyon nina defending men’s champion Hoang Nguyen Thanh ng Vietnam ss field na pinahina ng pagkawala ni Tony Ah-Thit Payne ng Thailand.

Si Payne, isang naturalized New Zealand athlete na nagwagi ng bronze medal sa 31st SEA Games marathon sa Hanoi noong nakaraang taon, ay nadulas at na- injure habang naghahanda para sa games sa Bangkok.

Ang kanyang pagkawala ay nagbukas kina Salano at Arbois na lumaban para sa podium finish, o makapagtala ngupset win laban sa mga paborito.

CLYDE MARIANO