SEAG: OVERALL CROWN TARGET NG PINOY JINS

pinoy jins

NANINIWALA si dating taekwondo coach Stephen Fernandez na kayang makuha  ng Pinoy jins ang overall championship sa na­lalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Disyembre.

“Kung hindi ako nagkakamali ay nakuha natin ang overall championship four or five times sa taekwondo sa SEA Games. Confident ako na magagawa at inspirado sila dahil dito sa atin lalaruin ang SEA Games,” sabi ni Fernandez.

“Ang ating mga fighter ay grizzled veterans, battle-tested at palaban, hindi basta sumusuko sa laban gaano man kahirap ang laban at iyan ang ipinakita nila sa iba’t ibang torneo na kanilang sinalihan,” dagdag pa niya.

Aniya, 22 golds ang paglalabanan, kasama ang sa poomsae kung saan nanalo ang mga Pinoy sa nakaraang Asian Games sa Indonesia.

Si Fernandez ay deputy ni SEA Games Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at kasalukuyang regional director ng Philippine Taekwondo Association.

Para kay Fernandez, ang Thailand ng pinakamahigpit na makakatunggali ng mga Pinoy.

“Other countries like Vietnam are also strong but Thailand is even tougher. Our jins should be in top shape and physically and mentally prepared against the Thais,” aniya.

Ang medal campaign ng ­Filipinas ay pangungunahan nina  Brazil Olympian Kirstie Elaine Alora, Pauline Lopez, Christopher Uy, Filipino-American Samuel Harper Morrison, Rodolfo Reyes Jr., Justine Mella, Rina Babanto, Juvenile Faye Crisostomo, Jerome Dominguez, at Janna Dominique Oliva.

Consistent winner ang taekwondo sa biennial meet at ang pinakamagandang ipinakita nito ay noong 1991 sa Manila sa pag­hakot ng pitong ginto, dalawang pilak at limang tanso. Ang mga gold medallists ay kinabibila­ngan nina Ramil Abratique, Diane de Leon, Bea Lucero, Ulysses Marcelino, Sharon Sowy, Ma. Nelia Sy at Walter Dean Vargas.

Ang taekwondo ay kasama sa priority sports ng PSC at isa sa may pinakamalaking budget. CLYDE MARIANO

2 thoughts on “SEAG: OVERALL CROWN TARGET NG PINOY JINS”

Comments are closed.