SEAG: OVERALL CROWN TARGET NG PINOY TRACKSTERS

pinoy TRACKSTERS3

ISA lang ang layunin ni PATAFA president Philip E. Juico: Agawin ang overall championship sa athletics na hawak ng Vietnam sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ang mga Pinoy trackster ay nagtapos sa ika-5 puwesto sa nakaraang SEA Games na ginawa sa Malaysia na may 5-3-10 kabuuang medalya.

“My goal is to reclaim the overall title,” sabi ni Juico sa panayam ng PILIPINO Mirror.

Kumpiyansa ang dating PSC chairman at Asian Athletics Association vice president na kaya itong gawin ng mga Pinoy dahil maraming atleta ang maglalaro, kasama ang siyam na Filipino-Americans, sa pangunguna ni Brazil Olympian at Asian Athletics middle distance hurdler Eric Shawn Cray.

Sasabak si Cray sa 100m, 200m at 4×100-meter relay. Lumaro ang 29-anyos na anak ng isang Pinay sa World Athletics sa London at dalawang Asian Games sa Korea at Indonesia, at unang Pinoy double gold winner sa 100m at 200m sa SEA Games.

“We’re fielding the best and the brightest athletes strong enough to win medals and realize our ultimate goal to win the overall championship in our turf,” wika ni Juico.

Binanggit ni Juico ang Vietnam, Thailand, Indonesia at Malaysia bilang  mahigpit na makakalaban ng Pinas.

“Sila ang mahigpit nating makakalaban. Nakahanda ang ­ating mga atleta na harapin sila sa track oval. Inspirado at determinadong manalo sa kanilang paboritong events dahil sa atin gagawin ang torneo. Sapat ang kanilang pag­hahanda at mahaba ang foreign exposures,” ani Juico.

Ang athletics ang pinakatampok na laro sa 56 sports na may 44 events.

Bilang paghahanda sa biennial meet ay sumabak ang mga Pinoy sa Singapore, China, Chinese Taipei, India, Korea, Vietnam, Thailand at Qatar. CLYDE MARIANO

Comments are closed.