SEAG: PH HANDBALL TEAM 2-0 NA

NAITALA ng Philippine beach handball team ang ikalawang sunod na panalo kontra Singapore, 22-19, 22-16, sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam, nitong Linggo.

Ang panalo ay kasunod ng 18-16, 18-16 upset ng Pilipinas sa Thailand, na nakopo ang silver sa 2019 Philippines Games, sa likod ng Vietnam, dalawang araw ang nakalilipas.

Samantala, tumapos si Ariana Drake sa fourth—at huli — sa women’s 1-meter springboard ng diving Linggo ng hapon.

17-anyos lamang at isang SEA Games first-timer, si Drake ay napalaban kina experienced divers Nur Dhabitah Sabri at Kimberly Bong Quian, na tumapos sa 1-2 sa event, dahilan para kunin ng  Malaysia ang first top medals ng Games na pormal na magbubukas sa Huwebes, Mayo 12.

Si Drake ay sasalang sa women’s 3-meter springboard sa Martes.