SEAG: PH SASANDAL SA BILLIARDS

billiards

ISA SA inaasahang mag-uuwi ng  karangalan sa Southeast Asian Games ang billiards.

Hindi pa nabobokya ang mga Pinoy mula nang laruin ang billiards sa 11-nation multi-events biennial meet na gaganapin sa Vietnam sa Nobyembre matapos ang Olympic Games sa Tokyo.

Dahil sa kanilang angking galing, kumpiyansa si Chief of Mission at PSC Commissioner Ramon Fernandez na muling maghahari ang mga Pinoy cue artist sa SEAG.

“World class ang ating mga billiards player. Kumpiyansa at nakasisiguro ako na mananalo ulit tayo tulad ng ginawa sa tatlong SEA Games sa Singapore, Malaysia at Pinas,” sabi ni Fernandez.

Gaganap si Fernandez bilang delegation head sa unang pagkakataon matapos na italaga ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Si Fernandez ang pangalawang PSC official na gumanap na Chief of Mission matapos ni  Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa 2019 SEA Games.

Pangungunahan nina dating world champions Dennis Orcollo at Carlo Biado ang medal campaign ng billiards, kasama sina Warren Kiamco, Alvin Barbero, Jeffrey Roda, Johann Chua, Chezka Centeno, Rubllyn Amit, Irish Ranola, at Flordeliz Andal.

Sina Orcollo, Biado at Amit ay naging PSA Athlete of the Year bilang pagkilala sa kanilang maraming natamong karangalan sa labas ng bansa.

Kamakailan ay nanalo ang tubong Bislig City, Surigao at 2011 World 9-Ball champion na si Orcollo sa dalawang world billiard tournaments sa US na ginawa sa Texas at Oklahoma.

Bukod kay Fernandez at sa mga coach na sina Rodolfo Luat at dating world champion Francisco ‘Django’ Bustamante, naniniwala rin si Billiards and Snooker Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil na muling magtatagumpay ang mga Pinoy dahil sa mas malawak nilang karanasan kumpara sa ibang mga manlalaro sa rehiyon.

“Filipinos unarguably are world class in billiards. There’s no reason not to duplicate the feats in three previous SEA Games,” sabi ni Mananquil.

Anim na ginto ang nakataya sa 9-ball bukod sa carom at snooker na lalaruin sa Hanoi. CLYDE MARIANO

8 thoughts on “SEAG: PH SASANDAL SA BILLIARDS”

  1. 974056 522268Aw, this was an exceptionally nice post. In concept I would like to location in writing such as this moreover – spending time and actual effort to create a superb article but so what can I say I procrastinate alot by way of no indicates locate a method to go completed. 37299

  2. 286645 404708Oh my goodness! an remarkable write-up dude. Thanks a ton Nonetheless I will be experiencing issue with ur rss . Do not know why Not able to join it. Can there be everyone acquiring identical rss concern? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 953986

  3. 22970 947388Hey, you used to write great, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past few posts are just a bit bit out of track! come on! 474734

Comments are closed.