LALO pang pinaigting ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paghahanda nito, halos dalawang buwan bago ang hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, doble kayod ngayon ang ahensiya upang mapabilis ang pagbili ng sports equipment at matapos ang sports facilities sa ilalim ng pangangasiwa nito bilang paghahanda sa biennial meet na nakatakda sa Nob. 30 hanggang Dis. 11.
Naglaan ang pamahalaan ng kabuuang P6 billion para sa pagdaraos ng Games.
Kalahati ng naturang halaga ay mapupunta sa pagbili ng sports equipment, na dadaan din sa Department of Budget and Management (DBM), alinsunod sa accounting rules and regulations ng Commission on Audit (COA).
Inamin ni Ramirez na nauubos na ang oras, ngunit titiyakin pa rin nila na pabibilisin ang proseso sa tulong ng COA upang mabili na sa lalong madaling panahon ang equipment ng lahat ng 56 sports.
“I was given the marching order by our President to come up with a successful SEA Games hosting,” ani Ramirez, na nagsisilbi ring chief of mission ng Team Philippines.
“We are embracing all these challenges because we know that this is a national endeavor and the pride of the country is on the line. We would do everything to make sure that we would have a memorable and successful hosting of the Games.”
Ang huling pagkakataon na naging host ang bansa ng SEA Games ay noong 2005.
Si Ramirez, siya ring PSC chairman noong panahong iyon, ay nagsilbi ring chief of mission ng Team Philippines na nagwagi ng overall crown na may 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals.
Ito ang unang pagkakataon na nakuha ng bansa ang overall title at gagawin ni Ramirez ang lahat para maduplika ang tagumpay.
“We are now entering the final two months of our preparation and this is the perfect time for us to show our unity and collaboration,” ani Ramirez.
“The PSC cannot do it alone. The entire nation should rally behind our athletes and inspire them to deliver their best performance.”
Comments are closed.