SEAG: TOLEDO KUMPIYANSANG MAIDEDEPENSA ANG KORONA

Aries Toledo-2

KUMPIYANSA si reigning SEA Games decathlon champion Aries Toledo na mai­dedepensa niya ang kanyang korona sa 30th edition ng biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang titulo ay naagaw ni Toledo kay Sutskisuk Jingkon ng Thailand noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang kanyang 7,443 points sa 10 sports decathlon ay bagong SEA Games at Philippine record.

“Kaya kong manalo ulit dahil nasa tamang kondisyon ako. Regular akong nag-eensayo at handa kong harapin ang mga kalabaan,” sabi ni Toledo.

Sinabi ni Toledo na si dating champion Jingkon ang mahigpit niyang makalaban at determindong talunin ang Thai sa ikalawa nilang paghaharap.

“Siya ang mahitpit kong kalaban. Pinaghandaan ko siya. Confident ako na mananalo ulit dahil nasa tamang kondisyon ako,” wika ng 5-foot-10, 25-year-old ironman mula sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Muntik nang makasungkit ng medalya si Toledo sa nakaraang Asian Games sa Indonesia kung hind siya nagka-injury sa pole vault dahil sa bad fall.

“Running third bago ako nagka- injury. Magaling na ang injury ko. Physically and mentally fit ako sa SEA Games,” wika ng junior education stu-dent sa Central Luzon State University.

Makikipag-alyansa si Toledo sa kanyang mga kasamahan, kabilang sina Brazil Olympian Eric Shawn Cray at Mar Joy Tabal.

Bilang paghahanda ay sumabak si Toledo sa mga torneo na ginawa sa Singapore, Vietnam, Thailand, at sa 3-leg Asian Grand Prix sa China sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Commissioner William ‘Butch’ Ramirez.     CLYDE MARIANO

Comments are closed.