SEAMAN KULONG SA PANGHAHALAY SA HIPAG | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
JAILED

SEAMAN KULONG SA PANGHAHALAY SA HIPAG

NAVOTAS CITY – KULONG ang isang 24-anyos na seaman matapos  pagsamantalahan ang kanyang hipag kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief Senior Supt. Rolando Balasabas, naganap ang umano’y panghahalay sa loob ng bahay ng 24-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Katrina” sa Barangay North Bay Boulevard South.

Sa ulat ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong alas-8 ng gabi, nasa loob ng kanyang silid ang biktima nang gapangin siya ng kanyang bayaw na si Jeremiah Quimba.

Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, sinimulan siyang halikan ng kanyang bayaw sa kanyang labi at leeg, gumapang ang mga kamay sa maselang bahagi ng kanyang katawan hanggang tuluyan ng mailugso ang kanyang pagkababae.

Hindi naman inilagay sa ulat ng pulisya kung tinakot ng suspek ang kanyang hipag o pinuwersa ang biktima kaya’t naisagawa ang panghahalay.

Nagpasiya lang ang biktima na maghain ng reklamo sa pulisya na naging dahilan upang dakpin ang suspek na hindi nagbigay ng kanyang pahayag.     VICK TANES

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS