LA UNION – PINAGHAHANAP pa ang binata na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Barangay Carcarabasa sa bayan ng San Gabriel, sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat kahapon.
Nakilala ang 19-anyos na biktima na si Mark Jake Subido, residente sa nasabing lugar.
Sinabi ng San Gabriel Police Station, kasama umano ng biktima ang nakababatang kapatid nito nang mangisda sa ilog.
Bigla umanong lumaki at lumakas ang agos ng tubig kasunod ng pagkaanod ni Subido.
Sa kabilang dako, nagpapatuloy rin ang clearing operation ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga kalsada sa bulubundukin ng Bagulin at San Gabriel dahil sa nangyaring pagguho ng lupa.
Halos 10 barangay naman sa bayan ng Luna ang nanatiling lubog sa baha matapos umapaw ang ilog doon. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.