NAGDAOS ng prayer meeting ang ilang pastor, kinatawan mula sa simbahang Katolika at elder representative sa ground zero sa Brgy. Banawel, Natonin, Mt. Province para sa mga rescuer.
Ipinagpatuloy na ng mga rescuer ang kanilang search and retrieval operation sa mga pinaniniwalaang nabaon sa landslide sa kasagsagan ng bagyong Rosita.
Pinulong ni Incident Commander police Supt. Myles Pascual ang lahat ng search and retrieval groups.
Napagkasunduang ang search and retrieval groups ay tututok mula sa ground zero at sa palibot nito habang ang civilian volunteers ay maghahanap naman sa Bananao area.
Gagamit na rin ng mga backhoe sa ground zero na mula sa Ifugao.