SEASON 46 OPENING TARGET NG PBA SA MAYO O HUNYO

Willie Marcial

TAMPOK sa special meeting ng PBA board of governors sa Lunes ang mga kinakaharap na isyu sa gitna ng pandemya.

Tatalakayin ang pagbakuna sa mga miyembro ng PBA family, finances at update sa inaugural PBA 3×3 kung saan nananatiling kumpiyansa ang mga opisyal ng PBA na matutuloy ang  pagbubukas ng Season 46 na hindi lalagpas ng Hunyo.

“I’m still hoping we can start late May or in June,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial. “Dadali ang lahat kung makakuha na tayo ng vaccine.”

Ilang governors ang pisikal na dadalo sa miting habang ang iba ay via Zoom kung saan tatalakayin din nila ang mga plano sa pagbabalik sa National Capital Region sa mahigpit na quarantine status.

Naghihintay ang liga na maibalik ang Metro Manila sa mas maluwag na MGCQ na magpapahintulot sa pagpapatuloy ng 5×5 scrimmages.

Natigil din ang training nina CJ Perez, Moala Tautuaa, Joshua Munzon at Alvin Pasaol para sa 3×3 Olympic qualifying tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

“Gov. Al Panlilio will update us on the plan,” wika ni Marcial, patungkol sa  Meralco governor  na siya ring presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Magbibigay naman si Alaska governor Dicky Bachmann ng  updates sa pagbuo ng PBA 3×3.

Ang plano ay ang magdaos ng dalawang 5×5 conferences at tatlong  3×3 tournaments para sa Season 46. CLYDE MARIANO

7 thoughts on “SEASON 46 OPENING TARGET NG PBA SA MAYO O HUNYO”

  1. 641076 32909Youre so right. Im there with you. Your weblog is surely worth a read if anyone comes throughout it. Im lucky I did because now Ive obtained a entire new view of this. I didnt realise that this concern was so essential and so universal. You definitely put it in perspective for me. 441348

  2. 42049 153349Hello there, just became alert to your blog by means of Google, and found that it is really informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate should you continue this in future. Numerous people will be benefited from your writing. Cheers! 512347

  3. 127731 9879Wow, incredible blog format! How lengthy have you been blogging for? you make running a blog glance simple. The full glance of your website is fantastic, as smartly the content material! 517413

Comments are closed.