GOOD day mga kapasada!
Sa isyung ito, mahalagang unawain ninyo at isadiwa ang paksang napakadaling gawin ngunit tikis naman nating kinaliligtaan o kusang hindi ginagawa. Ito pa naman ang isa sa bagay na makapagliligtas sa ating buhay sa maraming pagkakataon ng ating pagka-lingat. At ang tinutukoy ko ay ang paggamit ng seat belt.
Ayon sa mapagkakatiwalaang estadistika, maraming motorista ang bibihira kung gumamit ng seat belt na ang nagiging resulta ay ang pagkakaroon ng maraming risk serious injury and death in the event of a road crash.
Thanks to Nils Bohlin, isang engineer na nagbigay ng babala na ang sino mang motorista na hindi gaga-mit ng seat belt sa panahon ng kanyang pagmamaneho ay magtatamo ng pinsalang ‘di inaasahan o ang masaklap pa, pagkahantong sa kamatayan.
Si Nils Bohlin ay isang engineer who came up with the three-point seat belt in 1959. Lubhang naging epektibo ang kanyang imbensiyong seat belt sa maraming kadahilanan tulad ng:
1. The seat belt distributes the force of a crash to some of the strongest parts of the body – the chest and pelvis.
2. It keeps car occupants from being thrown against the interior of the car, such as the windscreen or dashboard.
3. It restrains passengers from hitting other car occupants.
4. It keeps them from being ejected from the car.
OBSERBASYON NG ISANG OFW
Kamakailan, nakadaupang palad natin si G. Vico Serapio, isang OFW na taga Bulacan.
Ayon kay Mang Vic, 15 years na siyang nagtatrabaho sa isang military hospital sa Gitnang Silangan na ang isa sa kanyang hobby kapag walang pasok sa pinapasukang ospital ang mag-part time job sa isang kilalang car distributor ng mamahaling sasakyan sa Middle East.
Sabi ni Mang Vic, maluwag daw dito ang implementing agencies ng Land Transportation Office sa pag-gamit ng seat belt kung ikukumpara sa Gitnang Silangan.
Aniya, may kaakibat na mabigat na parusa ang mahuling hindi nakasuot ng seat belt sa pagmamaneho.
Dito, marami siyang nakikitang drayber na nagmamaneho sa mga pampubliko at pribadong sasakyan na hindi nagsusuot ng seat belt.
ANG SEAT BELT LAW
Mula sa obserbasyon ni Mang Vic, nagkaroon ng inisiyatibo ang pitak na ito na magsaliksik tungkol sa RA 8750 para sa kapa-kanang pangkaligtasan ng ating mga kapasada.
Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na mayroon tayong Seat Belt Law, ang RA 8750 na nag-tatadhana na “drivers and front seat passenger of public and private motor vehicles are required to wear or use seat belt devices while inside a running vehicle.”
Ayon sa LTO’s law enforcement service, layunin ng naturang batas na mabawasan ang bilang ng inju-ries and death in road ac-cidents.
Sa RA 8750, ang pagbabawal sa mga batang wala pang anim na taong gulang ang paupuin sa front seat ng anumang running motor vehicle kahit na ang mga bata ay naka-seatbelt (buckled up).
Gayundin, mula ng magkabisa ang nabanggit na batas noong May 2000, hindi maaaring mairehistro (register) ang new motor vehicle ng walang naka-install na seat belt device, paglilinaw ng LTO.
Samantala, nilinaw rin ng LTO na walang pahihintulutang mag-renew ng registration ng mga in-use ve-hicle na walang naka-install na seat belt simula pa noong Nobyembre 2000.
Dahil sa kautusang ito, noong Nobyembre 1, 2000, sinimulan na ng LTO ng PNP at MMDA traffic en-forcer ang pagpapatupad to the letter ng seat belt law.
MULTA SA PAGLABAG SA SEAT BELT LAW
Ayon sa RA 8750 na:
1. For failing to wear seat belt ang multang Php 250.00 sa unang paglabag.
2. Php 500.00 sa ikalawang paglabag.
3. Php 1,000.00 sa susunod na mga paglabag at karagdagang isang linggong suspensiyon ng driver’s li-cense.
4. May multang Php 300.00 sa bawat paglabag sa mga mabibigong maglagay ng babala na nag-uutos sa mga pasahero ng public vehicles na magsuot ng seat belt.
5. Papatawan ng multang Php 1,000.00 ang mahuhuling hindi nagsusuot ng seat belt sa unang paglabag, Php 2,000.00 sa ikalawa at Php 3,000.00 at tatlong buwang suspensiyon ng certificate of registration sa mga susunod na paglabag.
6. Ang mga vehicle manufacturer, assembler, distributor at importer ay magmumulta ng Php 5,000.00 bawat unit na makikitang walang seat belt bago ang mga ito ay ipagbili at one year suspensiyon ng ka-nilang license at Php 10,000.00 para sa bawat unit at dalawang taong suspensiyon sa ikalawang pagla-bag at Php 20,000.00 multa naman sa bawat unit at limang taong suspensyon sa mga susunod na pagla-bag ayon pa sa LTO.
DEFINITION OF TERMS SA ILALIM NG RA 8750
1. Motorist – tumutukoy sa driver ng motor vehicle.
2. Seat belt device – refer to the strap use to secure a person or motor vehicle to mitigate the result of any accident, samantalang ito ay pinatatakbo sa lansangan.
3. Motor Vehicle – refer to both private and public motor vehicles kabilang dito ang tricycle at motorcy-cle.
4. Private motor Vehicle – refers to:
a. any motor vehicle owned by national government or controlled
corporation for official use only.,
b. any motor vehicle owned by individuals and government and judicial persons for private use.
c. any diplomatic vehicle.
5. Public motor vehicle – yaong mga ginagamit bilang public utility vehicle (PUV) for hire.
MANDATOR USE OF SEAT BELT
Isa sa cardinal rule ng seat belt law ay ang mandatory use nito para sa kaligtasan ng sino mang kinauukulan.
Ang driver sa front seat passenger ng public at private motor vehicle ay kailangang gumamit ng seat belt samantalang sakay sa running vehicle kailanman at saan mang thoroughfare.
Sa kaso ng public motor vehicle, kailangang ang driver nito ay ipagbibigay alam sa kanyang mga pasahero na nasa front seat na magsuot ng seat belt sa oras na ang mga ito ay sumakay sa running ve-hicle.
Mahigpit ding itinatagubilin ng RA 8750 na ang sino mang passenger na tumangging magsuot ay pab-ababain sa sasakyan at hindi ito pahihintulutang sumakay sa naturang biyahe.
MGA BATANG WALA PANG 6 NA TAON BAWAL SA UNAHAN
Mahigpit na ipinagbabawal ng RA 8750 ang pagsasakay sa front seat ng running vehicle ang mga batang (infants) at mga children below six years old. Layunin nito ang interest ng public safety.
Ayon sa mga enforcer ng LTO, ang ganitong pagbabawal ay upang maiwasan ang anumang kapa-hamakan ng mga infants at mga batang wala pang anim na taong gulang sa mga biglang pagpreno (sud-den brake) na karaniwang nauuntog ang ulo ng mga bata sa dashboard, manubela at iba pang matitigas na bahagi ng sasakyan sa front seat.
Lubhang sensitibo ang mga murang edad ng bata sa mga di inaasahang sakuna na maaaring maganap ng walang takdang panahon at ang tugon sa problemang tulad nito ay ang pagtupad sa itinatadhana ng batas.
PARUSA SA PAGLABAG SA SEAT BELT LAW
Papatawan ng LTO ang mga driver, operator, car owners, manufacturer, assembler, importer at dis-tributor na lalabag sa batas na ito tulad ng:
1. Driver – sa pagkabigong gumamit ng prescribe seat belt devices/failure to require passenger to wear seat belt, ang minimum na multa ay Php 100.00 but not to exceed Php 1,000.00 sa unang paglabag.
Sa susunod na paglabag, a minimum fine of Php 500.00 ngunit hindi lalampas sa Php 5,000.00 at sus-pensiyon naman ng driv-er’s license sa loob ng isang linggo sa third offense.
2. Public utility vehicles – ay kailangang maglagay ng signages instructing front seat passenger to wear seat belt when inside the vehicle.
Ang non-compliance will hold both the driver and the operator liable at magmumulta ng minimum Php 300.00 ngunit hindi la-lampas sa Php 3,000.00 sa bawat paglabag.
Ang RA 8750 ay napagtibay noong Agosto 5, 1999 at lubusang ipinatupad noong Mayo 1, 2000.
LAGING TATANDAAN: umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.