SEC AÑO NEGATIVE NA SA COVID-19

DILG Secretary Eduardo Año-2

NEGATIBO  na sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Mismong ang heneral ang nagsabi  na nakuha na niya ang resulta ng kaniyang panibagong swab test at nakasaad na negatibo na siya sa sakit.

Una nang inanunsiyo nito na nakalabas na siya ng ospital.

Ayon kay Año,  work from home muna siya kahit tapos na ang kaniyang quarantine period.

Si Año ay dalawang beses nang nagpositibo sa COVID-19.

Noong Marso nang una siyang ma-infect sa sakit at nagkaroon ng re-infection nitong Agosto. EVELYN GARCIA

Comments are closed.