HABANG nasa kasagsagan ng pag-aaral ang IATF at National Task Force Against COVID-19 para madesisyunan kung papalawigin pa o luluwagan na ang umiiral na quarantine protocol sa Metro Manila ay iniulat na maging ang Department of the Interiors and Local Government Secretary na siyang co-chairman nito ay positibo sa coronavirus.
Kinumpirma mismo ni Interior Secretary Eduardo Año na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.
Sabado ng gabi, Agosto 15, nang matanggap aniya niya ang resulta na positibo siya muli sa nakahahawang sakit.
Sa statement na inilabas ng kalihim, noong Agosto 13 nakaramdam siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan kaya agad siyang ng self-quarantine at nagpa – swab test noong Biyernes
Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga doktor ang kalihim habang habang naka-isolate ito.
Ayon sa kalihim, ginawa niya ang pahayag para ipaalam sa lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim din sa self-quarantine, bantayan kung makararanas ng sintomas at sundin ang DOH guidelines.
“I also make this announcement to emphasize the severity of the virus, and to encourage everyone to wear a mask, wash their hands frequently, and practice social distancing. By adhering to these guidelines, we can all help keep our loved ones and our community safe,” paalala ng kalihim.
Matatandaang Marso 31, 2020 nang unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim at nagnegtibo noong Abril.
Naniniwala ang kalihim na posibleng na- expose siya muli kaya tinamaan siya ng Covid-19 virus.
Inihayag ng kalihim wala naman siyang nararanasang sintomas kaya tuloy-tuloy lamang ang kaniyang trabaho.
Aniya, sa pamamagitan ng video conference lamang siya dumadalo sa mga pagpupulong. VERLIN RUIZ
Comments are closed.