SI EDUCATION Secretary Leonor Briones ang magiging panauhing pandangal at keynote speaker sa ika-8 taong pagdiriwang ng “The Value of Hard Work and Discipline,” na isang value advocacy program ng Fortune Life Insurance Company kasama ang Department of Education at Marylindbert International.
Idaraos ang pagdiriwang sa Setyembre 12 dakong alas-3 ng hapon sa Bulwagan ng Karunungan, Department of Education Head Office, Meralco Avenue, Pasig City.
Inilunsad noong 2010, ang values advocacy program ay nagtatampok ng makulay na buhay ng Fortune Life founder na si Ambassador Antonio L. Cabangon Chua, na umangat ang pamumuhay mula sa hirap hanggang sa maging matagumpay na negosyante sa pamamagitan ng kasipagan at disiplina.
Tampok sa selebrasyon ang awarding ng Amb. Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal Para sa Edukasyon, kung saan limang public school educators ang pagkakalooban ng Gintong Parangal para sa Guro dahil sa pagtuturo ng kahalagahan ng kasipagan at disiplina sa kanilang mga estudyante.
Isa pang parangal, ang Gintong Parangal para sa Pamumuno, ang ipagkakaloob sa limang school divisions superintendents dahil sa kanilang katangi-tanging pagpapatupad ng values program sa kanilang Department of Education Schools Divisions.
Comments are closed.